Walang humpay sa pagpilit si Boy para sagutin na siya ng kanyang nililigawan na Girl. Kaya naman binigyan na sya ng condition para matigil lang.
JUAN: Sagutin mo na ko, please...
MARIA: Sasagutin kita kapag dalawang buwan na...
JUAN: Ayos! Sige, maghihintay ako sa 'yo Maria.
Makalipas ang 2 months...
JUAN: Maria, dumalaw ako para balikan ang pangako mo. Sasagutin mo na ba ako?
MARIA: Tumingin ka muna sa labas ng bintana.
Sumunod si Juan at dumungaw sa bintana...
MARIA: Ilang buwan ang nakikita mo?
JUAN: Isa...
MARIA: Oh... isa lang pala eh. Di ba ang sabi ko, "Sasagutin kita kapag dalawang buwan na"?
No comments:
Post a Comment