Mahilig sa Movies




Isang gabi at nag-iinuman ang magkakabarkada, napag-isipan nilang pag-usapan ang kanilang Misis at mga anak.

THOMAS: Alam niyo mga bro, nung nagbubuntis pa lang ang Misis ko, ang favorite niyang movie ay "Lord of the Rings: The Two Twoers", kaya naman nung nanganak siya, cute twins ang lumabas!

PETER: Aba... eh wala yan sa wife ko!

THOMAS: Oh, bakit mo naman nasabi, brod?

PETER: Kasi si wifey, nung nagbubuntis sya ay mahilig siyang manood ng "The Three Musketeers", kaya naman healthy little triplets ang mga naging babies namin!


Napansin nung dalawa na tahimik at pinagpapawisan si John.

THOMAS: Teka, bakit nga pala tahimik ka lang dyan, bro?

PETER: Oo nga, tol... bakit ka malungkot dyan?

JOHN: Eh kasi mga dude... buntis ngayon ang partner ko.

THOMAS: Oh, ano problema dun?

PETER: Mahilig din ba sa films? Ano bang hilig niyang pinapanood at pinaglilihihan?

JOHN: 300.

No comments:

Post a Comment

Loading...