Pahingi po ng Barya

Mabait na si Juan



Lumapit ang batang si Juan sa kanyang Mommy para humingi ng pera at ibigay ito sa isang matanda.

JUAN: Mom... pwede po bang pahingi ng barya?

NANAY: Bakit anak? Saan mo ba gagamitin?

JUAN Basta po...

NANAY: Ay, anak... di ba ang usapan natin magsasabi ka nang totoo?

JUAN: Opo...

NANAY: Oh, saan mo gagamitin ang baryang hinigingi mo?

JUAN: Ibibigay ko lang po dun sa matanda...

NANAY: Ay, touched naman ako... Ang bait naman pala ng anak ko. Nasaan na ba yung matandang pagbibigyan mo ng barya?

JUAN: Yun po oh! Nagtitinda ng ice cream. Kawawa naman po siya, wala po kasing bumibili.

No comments:

Post a Comment

Loading...