Batang 80s o 90s ka ba?

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Noong bata ka ba at wala pang alam sa mundo ay ginagawa mo rin ba ang ilan sa mga ito? Kung natatawa ka habang binabasa mo ito, ibig sabihin ay matanda ka na! Ishare mo para makarelate naman ang iba nating kapanahunan.

  • Kinakagat mo rin ba yung bakal ng Monggol Pencil para lumabas yung natitirang eraser at makapagbura ka?
  • Pinapapak mo rin ba yung powdered Milo tuwing hindi nakatingin ang parents mo?
  • Kumakanta o sumisigaw ka ba sa harap ng Electric Fan at natutuwa ka kasi nangangatog ang boses mo?
  • Dahan-dahan mo rin bang isinasara yung pinto ng Refrigerator habang nakasilip para makita mo kung namamatay yung ilaw? 
  • Sinisipsip mo rin ba yung nectar sa bulaklak ng Santan?
  • Naisulat mo rin ba ang pangalan mo sa mga maalikabok na windshield ng sasakyan?

Kung natatawa ka habang binabasa mo ito, ibig sabihin ay matanda ka na! I-share mo para makarelate naman ang iba nating kapanahunan.

No comments:

Post a Comment