Nagtitipid si Juan

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Patakbong pumasok sa kanilang bahay si Juan. Pagod na pagod siya pero masayang-masayang lumapit sa kanyang butihing Ina at nagyabang...

JUAN: Inay! (hingal na hingal) Nakatipid po ako... (hingal ulit) ng eight pesos!

NANAY: Oh, anak... bakit hapong-hapo ka? Saan ka naman nakatipid at paano?

JUAN: Kasi po Inay, hindi po ako sumakay ng Jeep!

NANAY: Ha? Eh, paano ka nakauwi dito?

JUAN: Sumabay lang po ako ng takbo dun sa Jeep, kaya nakatipid po ako ng walong piso...

NANAY: Pambihira kang bata ka! Kung hindi ka man lang nag-iisip....

JUAN: Bakit po?

NANAY: Kung taxi ang sinabayan mo, eh di sana mas malaki ang natipid mo! Hmp...

1 comment: