Heart Surgery ni Maria




Naka schedule para sa isang heart surgery si Girlfriend kaya naman todo ang kaba ng kanyang Boyfriend.

PEDRO: Honey, ngayon ang heart surgery mo di ba?

MARIA: Yes, Honey...

PEDRO: I love you so much, Honey ko! Good luck ha... I will pray for you.

MARIA: I love you more, Hon...


Pagdilat ng mata ni Maria after ng kanyang Heart Surgery ay nagtataka siya dahil ang Father lang niya ang katabi niya.

MARIA: Dad, nasaan po siya?

TATAY: Hindi mo ba alam kung sino nagdonate ng bagong puso mo?

MARIA: Oh... my... gosh... hindi nga po, Dad?


Biglang tumulo ang luha ni Maria dahil sa sinabi ng kanyang Father.

TATAY: Yung donor mo, anonymous daw sabi ng Doctor. Pero yung Boyfriend mo, lumabas lang para bumili ng Coffee and Bread para sa breakfast natin.

No comments:

Post a Comment

Loading...