Nahulog sa Septic Tank

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!
Juan, nahulog sa septic tank



Habang naglalakad si Juan ay hindi niya napansin na may butas at nahulog siya. Nang nasa loob na siya ay doon niya lang nalaman na nahulog siya sa isang Septic Tank.

JUAN: Pambihira... ang bago! Paano kaya ako makakalabas dito? Hmmm... alam ko na...


Sumigaw nang malakas si Juan para marinig siya ng mga tao...

JUAN: Sunog! Sunooog!!!


Mabilis na dumating ang mga Firefighters sa kinaroroonan ni Juan at mabilis siyang iniligtas.

BUMBERO: Sir, safe na po kayo. Bakit po pala "sunog" ang sinisigaw niyo, eh wala naman pong apoy?

JUAN: Eh kung "tae" ba ang isisigaw ko, pupunta kayo? "Tae! Taaaeee!!!", ganun?

3 comments: