The Wedding Invitation



A man was invited to a wedding...

When he arrived at the hotel, he found two doors with signs:
  1. Bride Relatives
  2. Groom Relatives
He opened the door for the relatives of the Groom and found another two doors...
  1. Ladies
  2. Gentlemen
He went inside the door for the Gentlemen and found two more doors...
  1. People with Gifts
  2. People without Gifts
He then entered the second door and got surprised! He found himself outside of the Hotel.

Conversation of two Ghosts

May dalawang kaluluwang nag uusap sa sementeryo. Pagod na sila sa pagala-gala at pananakot sa sepulturerong sanay na sa takot. Hindi na nila kayang takutin, kaya nagchikahan na lang sila.



GHOST JUAN: Pre, kung bubuhayin tayo ulit ni Lord, ano ang gusto mong maging?

GHOST TOMAS: I want to be a Soldier pre.

GHOST JUAN: Pre, galing ka na sa kamatayan, gusto mo pang maging Sundalo? Eh, madali kang mapapatay ng mga kalaban.

GHOST TOMAS: Ganon ba? Oh sige, gusto ko na lang maging "kalaban" ng sundalo. Hehe... ikaw nga pala, ano ang ikinamatay mo?

GHOST JUAN: Alak!!!

GHOST TOMAS: Aaah, nagkasakit ka sa atay?

GHOST JUAN: Hindi! Noong buhay pa ako at lasing minsan, sabi ko sa isang bar and resto...

"lahat ng gustong uminom, umorder lang!"

Umorder naman ang mga lasinggero dun.


GHOST TOMAS: Aaah, nasobrahan ka sa alak, inatake ka sa puso?

GHOST JUAN: Hindi. Nang dumating na ang bill, at libo-libo ang halaga sabi ko,

"Lahat ng gustong magbayad ng ininom natin, mag ambag-ambag na!"


GHOST TOMAS: Aaah, nagalit sila at ginulpi ka hanggang mapatay?

GHOST JUAN: Hindi. Nagbayad naman sila pero ipinakasumpa-sumpa ako na,

"Mamamatay ka rin!" 

Kaya siguro ako namatay.


GHOST TOMAS: Ahaha! Kung di ka lang patay. Mapapatay kita, ang kulit!

GHOST JUAN: Teka pre, ikaw ba anong ikinamatay mo?

GHOST TOMAS: Wag na, it's a very long story pre...

GHOST JUAN: Okay lang may time naman ako, to listen.

GHOST TOMAS: Asawa ko ang dahilan, malas ako sa naging wife ko! Noong nabubuhay pa ako, madalas siyang nagpupunta sa nightclub.

GHOST JUAN: Aba, lasinggera! May nambastos sa kanya? Napaaway ka at napatay ka?

GHOST TOMAS: Hindi pre, gabi-gabi siyang nagpupunta sa nightclub para kaladkarin ako pauwi.

GHOST JUAN: Aaah, kalaunan hindi na siya nakatiis at napatay ka niya sa kunsumisyon?

GHOST TOMAS: Hindi, nanaginip ako minsan at ginising niya ako.

Sabi niya: "Nagsasalita ka sa pagtulog at me kinakausap kang Elizabeth ang pangalan. Taga nightclub sya ano?"
Ang sagot ko naman: "Pinagbabawalan mo na nga kaming magkita, hanggang sa panaginip ayaw mo pang makausap ko sya?"


GHOST JUAN: Aaah, nabuking ka ni Misis na me kabit, kaya tinigok ka?

GHOST TOMAS: Hindi, nag file siya ng annulment at nag away kami sa attorney's fee.

GHOST JUAN: Aaah, hindi kayo nagkasundo sa hatian sa attorney's fee kaya nauwi sa madugong patayan?

GHOST TOMAS: Hindi, nalaman ko na libre pala ang bayad nya sa abogado kasi boyfriend na pala nya.

GHOST JUAN: Ayuuun, nainsulto ka at napatay mo yung lawyer, nakulong ka at nabitay for murder.

GHOST TOMAS: Hindi pare. Kinumpronta ko yung lawyer para makaganti.

Sinabi ko na: "Iyong-iyo na ang asawa ko tutal nasabi na naman nya sa akin na hindi ka na tinatayuan ng bandila."
Siya ang nainsulto at binaril ako sa tiyan.


GHOST JUAN: Shocking pala ang lovelife mo at sa baril ka pa namatay...

GHOST TOMAS: Hindi. Naisugod ako sa Hospital. Naalala ko nga nung inoperahan ako. Putlang-putla na ako sa dami ng dugong nawala sa akin.

Sabi ng Doctor: "Parang takot na takot ka?"

Sagot ko: "Doc, first time ko ho na ooperahan."

Sagot nya: "Huwag kang mag alala, first time ko rin mag opera at kaga-graduate ko lang."


GHOST JUAN: Inakupo! Sumabalay siguro ang Doctor, kaya nalagutan ka rin ng hininga ano?

GHOST TOMAS: Hindi sya sumablay. Nakiusap lang ako na sana wag akong magaya sa iba na naiiwanan ng gasa sa loob ng tiyan. 

Sabi ng Doctor: "Don't worry, marami kaming gauze dito sa hospital. Magsasawa ka."


GHOST JUAN: Ayuuun, nainis ka sa doctor at ayaw mo ng magpa opera sa kanya. Nagpalipat ka sa ibang hospital at sa biyahe ka namatay?

GHOST TOMAS: Hindi. Natuloy ang operation at nabuhay ako!

GHOST JUAN: Teka, akala ko ba asawa mo ang dahilan kaya ka namatay?

GHOST TOMAS: Siya nga! Yumaman na siya sa piling nung attorney at nagkaroon ng marangyang buhay. Meron na siyang mansions at luxury cars, at nasagasaan niya ako, ayun nabalian ako ng buto sa paa. Pero, hindi naman niya sinasadya. It was an accident.


GHOST JUAN: At na ospital ka na naman, naoperahan na naman, nakaligtas na naman pero natetano siguro sa bakal na brace sa paa kaya ka namatay di ba?

GHOST TOMAS: Hindi. Namatay ako noon ding masagasaan niya.

GHOST JUAN: Nabalian lang ng paa namatay na? Aaah, siguro naubusan ka ng dugo dahil hindi agad naisugod sa ospital?

GHOST TOMAS: Hindi. Pagkasagasa sa akin, nabagok yung ulo ko sa semento. Patay!!!

GHOST JUAN: Ah, mahabang kwento nga...

GHOST TOMAS: Sabi sayo eh... kulit mo kasi!

Ang Vampire Barkada sa Restaurant



Nasa isang restaurant ang magbabarkada na Vampires...

RICH VAMPIRE: I would like to order a fresh Blood.

ORDINARY VAMPIRE: Mine naman, one order ng Dinuguan.

POOR VAMPIRE: Mainit na tubig na lang sa akin.

WAITER: Bakit po hot water lang?

POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako kanina ng Napkin sa kanto. Mag-tsa tsaa na lang ako!