Bagong Tattoo




Gustong magpalagay ng Tattoo ni Juan para madagdagan ang kanyang self-esteem, kaya naman nagpasama siya sa kanyang kaibigan na si Pedro.

JUAN: Tol, samahan mo ako magpalagay ng Tattoo.

PEDRO: Sige ba, libre naman ako ngayon. Bakit ka nga pala magpapatattoo?

JUAN: Eh kasi, tol. Lagi akong tinutuksong beki ng mga classmates ko.

PEDRO: Ah, ayos yan pre! Magiging astigin ka lalo niyan.

JUAN: Mag-antay lang sila. Makikita nila ang bagong ako!


Pagdating sa Tattoo Shop...

ARTIST: Magandang araw po, mga Sir! Sino po ang magpapalagay ng Tattoo?

JUAN: Ako po, Boss...

ARTIST: Sige po, upo na po tayo. Saan po ba natin ilalagay yung bagong Tattoo mo?

JUAN: Dito sa kilay, tol! Medyo nipisan mo lang ha, para mataray ang dating. Chos!

No comments:

Post a Comment

Loading...