Naglalakad na Gulay

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Inutusan ng Ama ang kanyang bunsong si Juan na magluto ng ulam para sa hapunan, kaso may nawawalang mga gulay...

TATAY: Anak, hindi pa ako tapos sa ginagawa ko kaya ikaw muna amg magluto ng uulamin natin ngayon gabi.

JUAN: Sige po, Itay...

TATAY: Namili ako kahapon ng mga gulay na pangsahog, nandoon sa ilalim ng refrigerator.

JUAN: Okay po, hiwain ko na po...


Nang makuha ni Juan ang mga gulay ay nawawala ang ilan sa mga ito. Naglibot siya sa bahay para hanapin ang mga nawawalang gulay.

JUAN: Itay! Nakakapaglakad pala yung mga gulay natin.

TATAY: Ha? Baka gutom ka lang, Anak. Paano mo naman nasabi?

JUAN: Kasi po kulang yung gulay natin, kaya po hinanap ko. Nakita ko po yung Talong at Pipino, nakarating sa kama ni Ate.

No comments:

Post a Comment