Utang Sardines

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Na-delay ang dating ng salary nila Luke kaya naman dumiskarte siya ng pang-ulam nila. Pumunta siya sa tindahan ni Aling Nena para mangutang.

LUKE: Magandang gabi po, Aling Nena! Mukhang gumaganda po tayo lalo ah...

ALING NENA: Maganda ang gabi ko, Luke. Huwag mo na kong bolahin, ano ang kailangan mo? Bilisan mo at nanonood pa ko ng Korean Drama.

LUKE: Ah... eh... Aling Nena... hindi pa po kasi kami sumusweldo, pwede po bang pautang muna, isang Sardines lang, bukas na lang po ang bayad.

ALING NENA: Ah, ganoon ba? Sige na nga at nang makaalis ka na, patapos na rin itong commercial ng pinapanood ko. Heto ang isang latang Sardinas.

LUKE: Bakit po walang laman?

ALING NENA: Bukas ko na lang din ibibigay, kasabay ng bayad.

No comments:

Post a Comment