Pirma sa Dilim

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Medyo ginabi na ng uwi si Pedro galing sa school, pagpasok niya ng bahay ay nasa sala ang kaniyang Tatay.

AMA: Oh, bakit ka ginabi?

PEDRO: Eh, Tay... galing po ako kila Tekla, nanood kami ng KDrama...

AMA: Doon ka pa manonood, eh pinalalabas naman sa TV! Teka, magsisimula na nga pala yung paborito kong palabas...


Biglang namatay ang ilaw, brownout!

AMA: Pambihirang kuryente yan...

PEDRO: Tay, may tanong po ako...

AMA: Ano yon?

PEDRO: Kaya mo po bang pumirma maski madilim?

AMA: Natural! Kabisado ko ang pirma ko. Bakit mo naitanong?

PEDRO: Ayos po iyan, Tay! Papipirmahan ko kasi yung card ko. Eto po ang ballpen, sige po... pirma ka na po. Thank you in advanced! I love you, Tay... Hugs...

No comments:

Post a Comment