Dahil nahuling hindi nakikinig at nakatunganga sa may bintana ay tinawag ng Guro si Pedro para sa Graded Recitation.
TEACHER: Pedro! Hindi ka na naman nakikinig. Kaya puro line of 7 ang grades mo.
PEDRO: Sorry po, Ma'am...
TEACHER: Okay... stand up. Ano sa English ang "puno"?
PEDRO: Ah... Ma'am, pwede po bang assignment na lang siya?
TEACHER: Hay, nako! Sige.
Pag-uwi sa bahay ay naabutan ni Pedro na nagtatalo ang kanyang Ama at Lolo.
PEDRO: 'Tay, ano po sa English ang puno?
TATAY: Bwisit kang matanda ka!
Dahil hindi kumbinsido ay tinanong naman niya ang kanyang Ina na kumakanta habang naglalaba.
PEDRO: 'Nay, ano po ba sa English ang puno?
NANAY: Hmmm... Sa tabi-tabi...
Dahil naguguluhan pa rin ay pinuntahan niya ang kanyang Ate na nagpa-practice ng Cheer Dancing.
PEDRO: Ate, ate... ano po sa English ang puno?
ATE: Go, go, go!
At pagkatapos ay nakita niya ang Kuya niya na naglalaro ng Counter Strike.
PEDRO: Kuya... ano po sa English ang puno?
KUYA: Shield, shield!
Kinabukasan, pagpasok sa classroom ay...
TEACHER: Pedro, ano na ang English ng puno?
PEDRO: Bwisit kang matanda ka!
TEACHER: Pambihira! Saan mo nakuha yan?
PEDRO: Hmmm... Sa tabi-tabi...
TEACHER: Umayos ka, baka gusto mong ipadala kita sa Principal's Office.
PEDRO: Go, go, go!
TEACHER: Batuhin kita ng eraser, dyan eh!
PEDRO: Shield, shield!
No comments:
Post a Comment