Habang nagwawalis sa tapat ng bahay si Pedro ay nakita niyang paparating na ang kanilang Landlord kaya naman nagmadali siyang pumasok ng bahay at isinara ang pinto.
Pagdating ng may-ari sa kanilang gate ay dumiretso siya sa pinto nila Pedro at kumatok nang malakas.
LANDLORD: Hoy, Pedro! Tataguan mo pa ko, ha? Lumabas ka diyan, nakita na kita kaninang nagwawalis ng dahon dyan sa gate. Huwag mo na ko pagtaguan.
Dahan-dahan binuksan ni Pedro ang pinto...
PEDRO: Ay! Kayo po pala... magandang araw po. Natakot po kasi ako kanina...
LANDLORD: Huwag mo nga kong lokohin, mukha ba kong maligno?
PEDRO: Hindi naman po sa ganoon... nag-iingat lang po.
LANDLORD: Bueno... alam mo na siguro kung bakit ako nandito? Kukunin ko na ang bayad sa renta ng bahay.
PEDRO: Ah... eh... pasensya po dahil hindi po ako makakabayad ng renta.
LANDLORD: Pambihirang 'yan! Diyan... diyan ka magaling! Pero kung makapagtravel ka, wagas. Post mo pa sa Instagram, ha. Umayos ka, dahil ganyan na ganyan din ang sinabi mo last time.
PEDRO: Naku po... diyan po proud sa akin ang mga kaibigan ko.
LANDLORD: Proud saan? Sa hindi makabayad ng upa pero may pangtravel?
PEDRO: Hindi po, ako po kasi ang klase ng tao na may isang salita. Kaya, "pasensya na po dahil hindi po ako makakabayad ng renta".
No comments:
Post a Comment