Nagtanong ang Bata

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Maagang hinatid ni Pedro ang kanyang bunsong anak sa Nursery School. Habang naglalakad ay may narinig ang bata na nagtatalo...

MISIS: Wala ka talagang kwentang asawa! Napaka lasinggero mo. Lumayas ka... layas!!!

MISTER: Sorry na, Hon... I love you...


Nagtanong ang bata sa kanyang Tatay...

BUNSO: Papa... ano po yung lasinggero?

PEDRO: Ah... wala iyon, anak. Masyado ka pang bata...

BUNSO: Eh, sige na po... narinig ko lang naman po doon sa nag-aaway kanina...

PEDRO: Ganito yan, anak... makinig kang mabuti...

BUNSO: Opo...

PEDRO: Nakikita mo yung dalawang basurahan na iyon? Kapag lasinggero ang isang tao, apat ang makikita niya...

BUNSO: Pero... Papa... isa lang po yung trash can sa tabi ng kalsada...

No comments:

Post a Comment