Patama ng Nagmamahalan

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Habang nagmamaneho si Manong ng kanyang pampasaherong jeep ay may naganap na alitan sa loob ng sasakyan. Nagulat siya dahil naipit siya sa gitna ng parinigan ng nagmamahalan...

GIRL: Manong, bayad po... (inabot ang one hundred pesos)

PEDRO: Saan po kayo bababa?

GIRL: Sa kanto lang po ng Babaero Street corner Manloloko Avenue, sa tapat ng Sinungaling Residences.

PEDRO: Tsk... tsk... tsk...

BOY: Manong, bayad din po... (inabot naman ang two hundred pesos)

PEDRO: (nagtataka dahil walang barya) Ah... ikaw naman hijo, saan ka bababa?

BOY: Diyan lang po sa Tamang Hinala Building, malapit sa Minahal mo ng Tama Ikaw pa ang Masama Store.

PEDRO: Saklap!

BOY and GIRL: So, magkano po ba, Manong Driver?!

PEDRO: Pambihirang mga Bitter ito! Pati ako dinadamay. Alam niyo kung magkano? Dahil sa tingin niyo naman pareho ay perpekto kayo at walang pagkakamali, tig fifty pesos na lang kayo!

BOY and GIRL: Bakit naman po ang mahal?

PEDRO: Pareho kayong wala ka-singkwenta! Mga buset.

No comments:

Post a Comment