Binyag ng Anak

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



First time magkaroon ng baby ni Mister kaya naman marami siyang naisip na ipangangalan sa kanyang anak. Pagdating ng binyag ay tinanong siya ng Pari kung ano ang pangalan ng bata.

PRIEST: Hijo, ano ang pangalan ng anak mo?

MISTER: Surf po...

PRIEST: Ha? Bakit Surf? Pangalan ng sabong panlaba yan, palitan mo! Hindi pwede yang ganyan... ayusin mo.

MISTER: Ah... eh, Father... bakit naman yung asawa ko?

PRIEST: Bakit, ano ang pangalan niya?

MISTER: Perla po...

PRIEST: Eh, ikaw?

MISTER: Ariel po...

PRIEST: Hayst... sige... Surf na kung Surf ang pangalan nung bata. Ano ang gusto mong ipangbendisyon ko? Zonrox o Downy?

No comments:

Post a Comment