Sagutan ng mga Contesera

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Nagkita ang makakalaban sa Beauty Contest sa isang Beach Resort. At dahil may bitter pa at hindi pa maka move on ay nagpalitan ng maaanghang na mga salita ang dalawa.

BERTA: Well, well, well... nandito rin pala ang babaeng ipinanganak na 1st runner up.

PETRA: At kahit saan talaga ay sinusundan mo ko, siguro ipinaglihi ka sa langaw?

BERTA: Kung ipinaglihi ako sa langaw, eh di ikaw ang madalas naming dinadapuan. Ikaw ang dumi ng kalabaw!

PETRA: At least! Nakakapagpataba ng lupa. Eh, ikaw? Korteng banga ka at ang mukha mo naman, parang halimaw.

BERTA: Excuse me... lahat ng mga nadaanan ko sa dalampasigan kanina na boys ay napapa-second look sa akin. Dahil ako ay certified "hot"!

PETRA: Oo, hot ka! Kaya napapadobleng tingin ang mga lalaking iyon eh hindi sila sure sa nakikita nila at dahil ang sakit mo sa mata.

No comments:

Post a Comment