Isang kilong Sugar

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Tinanong ni Doctor Juan ang isang pasyente para malaman kung magaling na ito at pwede nang madischarge mula sa hospital.

DOK: Good morning, Pedro!

PEDRO: Good morning din po, Doc. Juan...

DOK: Kumusta naman ang araw mo?

PEDRO: Mabuti naman po, medyo mainit lang po ngayong mga nakaraang araw.

DOK: Oo nga eh, kung yayayain kitang pumunta sa beach, sasama ka ba?

PEDRO: Aba, kung libre mo naman po, Dok, tatanggi pa ba ko?

DOK: Syempre sagot ko lahat basta masagot mo lang ng tama ang tanong ko.

PEDRO: Sige po! Ano po ba ang tanong mo?

DOK: Kapag ba nilagyan ko ng isang kilong asukal ang dagat, tatamis ba ito?

PEDRO: Ano po bang klaseng tanong iyan, Dok... syempre po hindi!

DOK: Ayos! Magaling ka na ngang talaga, sige isasama na kita sa beach...

PEDRO: Paanong tatamis kasi yun, Dok... eh hindi mo naman hinalo... di ba?

No comments:

Post a Comment