Ayaw magsalita ni Juan

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Primary Suspect si Juan sa isang krimen at dinala siya sa Police Precinct para tanungin tungkol sa mga detalye ng mga pangyayari.

PULIS: Sir, ano po ang ginagawa niyo sa lugar ng pinangyarihan ng krimen?

JUAN: (tumingin lang sa sahig)

PULIS: Sir, kung hindi ka po magsasalita, mapipilitan na kami na gumamit ng dahas. Inuulit ko po, ano ang ginagawa mo sa pinangyarihan ng krimen?

JUAN: Wala kayong mapapala sa akin...

PULIS: Ah, ganoon po ba? Sige po, pasensyahan na lang tayo...


Lumabas ng kwarto ang Police Officer at pagbalik nito ay may dala-dala na itong kutsilyo...

PULIS: Sir, last chance niyo na, hindi ba kayo sasagot?

JUAN: (tumawa ng malakas) Hindi niyo ako madadaan sa paninindak! Pwe...


Hinasa nung Pulis ang kinuha niyang patalim at tsaka hinugasan ng mabuti...

PULIS: Okay, Sir! We have no choice kundi ang gamitin itong bagay na ito...

JUAN: Hinding-hindi ako magsasalita!


Inilabas ng kasamahan na Pulis ang isang box na may naglalaman ng paboritong cake ni Juan at kumuha ng isang slice...

PULIS: Brad, hati-hati na tayo dito sa masarap na cake na ito... libre ko na... sige, kuha ka lang...

JUAN: Pssst... pahingi naman, nagugutom na ako eh...

PULIS: Sorry, Sir! Para sa mga marunong umamin lang itong cake na ito. Pasensya na po...

JUAN: Sige na... maski yung icing lang...

No comments:

Post a Comment