Beef Steak sa Restaurant

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Nakuha na ni Lolo ang kanyang Senior Citizen Card kaya naman ay naisipan niyang kumain sa isang mamahaling restaurant para magamit ang kanyang discount.

LOLO: (sumipol) Waiter!

WAITER JUAN: Yes po, Sir? Ano po ang order natin?

LOLO: Hijo... oorderin ko ang pinakamahal niyong steak dito. Bigyan mo ako ng isa.

WAITER JUAN: Right away po... 15 - 30 minutes po ang preparation ng orders niyo.

LOLO: Sige, ayos lang, hijo... pahingi na rin muna ng kape habang naghihintay ako...

WAITER JUAN: Ok po...



Makalipas ang ilang minuto at nung maubos na ni Lolo ang kanyang kape ay dumating na ang order niya...

WAITER JUAN: Sir, narito na po ang order niyo... enjoy your meal po...

LOLO: Salamat, hijo...



Dahil excited sa beef steak ay humiwa kaagad si Lolo, kaso medyo mapurol yata yung panghiwa kaya kinagat na lang niya ito. After 10 minutes ay dumating ang Manager ng resto para kumustahin ang situation ni Lolo.

MANAGER PEDRO: Good day po, Sir! Kumusta po ang meal natin?

LOLO: Hijo, ganito ba talaga katigas ang mamahaling steak nyo?

MANAGER PEDRO: (humiwa sa steak ni lolo at tinikman) Lo, ok naman po... malambot naman po ang pagkakagawa sa steak niyo... "It melts in your mouth".

LOLO: Paanong hindi lalambot yan, eh kanina ko pa nginangatngat dahil sa sobrang tigas. Buset!

No comments:

Post a Comment