Para sa Pag-Ibig

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Na-stuck sa gitna ng heavy traffic ang magkaibigan na sila Juan at Pedro. Dahil sa sobrang tagal ng biyahe nila ay kung anu-ano na ang napag-uusapan nila.

JUAN: Alam mo ba, Tol?

PEDRO: Ano yun?

JUAN: Si Romeo... he died for "love".

PEDRO: Ah, oo nga eh... saklap ng love story nila.

JUAN: Si Jack din sa Titanic, namatay din dahil sa pag-ibig.

PEDRO: Oo, bro... isa pa yan.

JUAN: Sila Hercules at Achilles din, namatay sa ngalan ng pag-ibig.

PEDRO: Grabe, nakamamatay pala talaga ang pag-ibig!

JUAN: Tama tol! Kaya kung gusto mong mabuhay ng matiwasay at matagal, stay "single".

No comments:

Post a Comment