Sino ang pumatay?

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



"Sinong L.L. ang pumatay kay Magellan?"

Yan ang tanong ng Teacher sa History Class, may paulit-ulit daw ito na salita at ang daming sagot mula sa kanyang Students na may matatabang utak.

GURO: Class, sino ang pumatay kay Magellan? May initials siya na L.L.

NENA: Ma'am! Lito Lapid?

GURO: Mali! Inuulit ang pangalan nya...

PEDRO: Ako po, Ma'am! Lito Lito?

GURO: Mali-mali! Isa pang clue. Mahaba buhok niya!

MARIA: (Nagtaas ng kamay) Ma'am! Lot Lot po?

GURO: Hay! Mali pa rin. Last clue na, madami sila...

JUAN: (Tumayo nang mabilis) Ma'am, Ma'am!

GURO: Yes, Juan?

JUAN: Lot Lot and Friends?

GURO: Ok... Kayong apat, get out!

No comments:

Post a Comment