Walang Amoy

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Napapansin ni Toto na madalas siyang kabagin, kaso... ang problema ay kapag inilalabas niya na yung hangin ay wala siyang naaamoy at alam niya na may mali dito kaya bumisita siya sa Doctor para sa consultation.


TOTO: Good morning po, Doc!

DOC: Yes, Sir? Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?

TOTO: Doc, kasi po madalas akong kabagin lately at syempre po, madalas din ako mautot. Pero may kakaiba po sa mga nangyayari...

DOC: Ano naman ako kakaiba sa pag-utot mo?

TOTO: Kasi po, Doc... wala po siyang amoy. Matunog man, silent o kahit ano man po, wala po siyang amoy.

DOC: Teka, umutot ka ba ngayon?

TOTO: Opo! Grabe, Doc... paano niyo po nalaman?

DOC: Ah, ganoon ba? Sige, irerefer kita sa kaibigan kong Otolaryngologists.

TOTO: Huh? Bakit naman po, Doc? Hindi mo po ba kaya ang sakit ko? Malala na po ba ako? Diretsuhin niyo na po ako, Doc. Please...

DOC: Eh, walang hiya ka! May problema ka sa ilong. Ikaw lang hindi nakakaamoy nyang utot mo, eh. Tinalo pa yung septic tank!

No comments:

Post a Comment