Wish ni Pedro

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Malapit na ang kaarawan ni Pedro at may simpleng hiling siya sa kanyang nobya. Kaya naman tinext niya ito para malaman kung papayag itong ibigay ang kanyang "birthday wish".


PEDRO: Hi, baby! Lapit na birthday ko, baka pwede mo na i-grant ang simpleng wish ko. Hehehe...

MARIA: ANO BA WISH MO?

PEDRO: All caps tlga?! Hahaha... Yung alam mo na... Isang gabi na tayong dalawa lang!

MARIA: HA?

PEDRO: Ano ka ba, baby?! Mahal na mahal kita kaya gusto ko sa yo ipadama ito. Promise, masasarapan ka dito, anim na pulgada ito. Hehehe...

MARIA: HUSGAHAN NATIN YANG PROMISE MO. PUNTA KA NA SA AMIN. DALIAN MO!!!!!


Dahil sa natanggap na reply sa text ay nagmadaling mag-ayos si Pedro at nagkukumahog na pumunta sa bahay nila Maria.

PEDRO: (bumulong) Baby! Excited ka na no?! Hehehe...

MARIA: Huh? Anong pinagsasabi mo?

PEDRO: Di ba nagtext ako sa yo, may promise ako.

MARIA: Ay! Talaga? Kaso, di ko pa nababasa, eh. Nandun kay Itay yung cellphone ko kanina pa, busy kasi siya sa paglalaro ng Mobile Legends.

PEDRO: (bumulong ulit) Ah, sige Baby... Uwi na muna ako!

No comments:

Post a Comment