Hanapin ang value ng X

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Sa Math subject ni Pedro ay binigyan sila ng kanilang Teacher ng seat work kung saan kailangan nilang hanapin ang value ng X.


GURO: Ok, Class! Get 1/4 sheet of paper para sa ating seat work. Ang makakasagot may additional 20 points sa final exam.

CLASS: Ok po, Ma'am!

GURO: Sige, para makakuha ng +20, find the value of X.

PEDRO: Ma'am, mawalang galang na po...

GURO: Yes, Pedro? Ano ang problema?

PEDRO: Ma'am naman... bakit kailangan pang hanapan ng value ang "x"? Pass na yan, move on na. Hindi na dapat inaalala yung mga walang kwentang tao kaya focus lang future at positive vibes. Tama na po yang pag-alala sa nakaraan na nagiging sanhi lang ng kalungkutan. Hay...

GURO: Ah, ganun ba? Sige, doon mo sa X mo hanapin ang grades mo sa Final Exam. Get out!

No comments:

Post a Comment