Nakatulog sa Klase

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Dahil sa panonood ng Korean Drama ay napupuyat si Gelo, kaya naman pagdating sa class ay madalas siyang inaantok at wala sa focus. Isang araw ay hindi na napigilan ni Gelo ang kanyang antok at nakatulog.

TEACHER: Mr. Angelo Cruz! Berto, pakigising nga iyang katabi mong naghihilik na barko.

BERTO: Huy, Gelo. Gising na! Nagagalit na si Ma'am.


Naalimpungatan si Gelo at bigla siyang tinanong ng kanilang Guro.

TEACHER: Final warning mo na ito, ha. Isang beses ka pang matulog sa Class ko, ipapatawag ko na parents mo.

GELO: Opo, Ma'am.

TEACHER: Ok. Nasaan ang bantayog ni Gat Jose Rizal?

GELO: Ma'am, wala naman pong ganyanan.

TEACHER: At bakit?

GELO: Ma'am, inaamin ko po nakatulog ako. Pero huwag niyo naman akong pagbintangan. Hindi porket nawawala na bantayog, sa akin niyo kaagad hahanapin? Huwag po ganoon.

No comments:

Post a Comment