Sagot na Chicken

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Si Andoy na ang susunod na tatawagin para sa Graded Recitation kaya naman todo ang kanyang kaba dahil mahihirap ang natanggap na tanong ng kanyang mga classmates.

Tinawag na siya ng kanilang Teacher at ibinigay na ang tanong...

GURO: Andoy, please stand up. Ano ang Pambansang Ibon ng Pilipinas?

ANDOY: Ahhhmmm... Chicken po?

GURO: Mali! Sige another chance... kulay brown ito.

ANDOY: Fried Chicken po?

GURO: Ano ba? Isa pa... mas maliit ito sa Chicken!

ANDOY: Knorr Chicken Cubes po!

GURO: Pambihira kang bata ka... umayos ka, isang maling sagot mo pa at mangingitlog na ang grade mo kasasagot ng Manok! Ayusin mo, may pakpak din ito.

ANDOY: Sure na po ako, Ma'am... Knorr Chicken Cubes with Wings!

No comments:

Post a Comment