Buhay pa sana si Lolo

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Dahil sa malayong lugar nagtratrabaho ay humabol na lamang sa lamay ng kanyang Lolo si Pedro. Pagdating sa venue ay agad niyang kinumusta ang kanyang mahal na Lola.

PEDRO: Lola, pasensya na po kayo kung ngayon lang po ako nakaluwas. Ano po ba ang nangyari kay Lolo?

LOLA: Hay naku apo, ganito kasi ang nanyari. Natigok siya habang naglalabing-labing kami, sinumpong siya ng hika niya... Huhuhu...

PEDRO: Hala, bakit naman po kasi kayo nag-gaganun pa? Eh, alam nyo naman po na hindi kaya ng katawan ni Lolo dahil sa hika niya.

LOLA: Alam ko apo, pero kailangan eh. Kaya nga tuwing Linggo lang namin ginagawa at dahan-dahan lang ang galaw ng Lolo mo, isinasabay niya lang sa kalembang ng kampana ng simbahan.

PEDRO: Ha?! Eh mabagal naman po ang tunog ng bell, paano po siya sinumpong nun?

LOLA: Yun nga apo, mabagal nga. Kaso may dumaan na Sorbetero, nagpanic ang Lolo mo. Buhay pa sana siya kung hindi lang dumaan yung bwisit na yun!

No comments:

Post a Comment