Lie Detector Test

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Bumili si Itay ng Lie Detector Robot na sinasampal ang lahat ng madetect nitong nagsisinungaling, simple man o grabe. Solid ang sampal nito at bumabakat sa pisngi ng matatamaan target. Kaya naman kinausap niya ang kanyang Anak para masubukan ito.

Pagkadating ng delivery sa bahay at binuksan kaagad ito ng Ama para masubukan at makakuha nang replacement kung ito ay defective. Pagkatapos niyang i-set up ang Robot at saktong dumating ang kanilang Anak.

JUAN: Tay, nandito na po ako... mano po...

ITAY: Oh, kumusta ang araw mo anak? Pumasok ka ba sa school?

JUAN: Opo...


Bago pa man matapos ng Anak ang kanyang sagot ay sinampal na siya bigla nung Robot...

ITAY: Aha! Hindi ka pumasok. Saan ka nanggaling at ano ang ginawa niyong magkakaklase?

JUAN: Opo, sorry po, Itay. Nanood po kami ng The Legend of the Deep Blue Sea Monster.


Solid na sampal ulit ang natanggap ng Anak dahil nadetect ng Robot na nagsisinungaling siya...

ITAY: Yung totoo?

JUAN: Aray, sige na po Itay, amin na po ako. Nanood po kami ng mga reyted ex na movies.

ITAY: Tsk, tsk... pasaway ka talagang bata ka. Noong kabataan ko ni hindi ko alam kung ano yang mga ganyang bagay. Music lover lang ako.


Mag-asawang sampal ang natanggap ng Ama mula sa Robot. Biglang pumasok sa eksena ang Ina...

INAY: Hahaha... sige, magsinungaling pa kayo! Mag-ama nga talaga kayo! Hahaharaaay...

Isang matunog na sampal ang umalingawngaw sa bahay dahil sa nadetect ng Robot.

No comments:

Post a Comment