Budget sa Date

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Tatlong buwan nang magkasintagan sina Juan at Nena, kaso tuwing magde-date sila ay iisang tao lamang ang gumagastos...

NENA: Bakit tuwing sa magde-date tayo at lagi kang walang pera?

JUAN: Babes, alam mo naman na nag-aaral pa tayo. Saan naman ako kukuha ng pera na gagastusin natin tuwing magde-date tayo?

NENA: Ang sagwa naman kung ako lagi ang maglalabas ng pera tuwing magkikita tayo!

JUAN: Pasensya ka na, Babes...

NENA: So, ganun-ganon na lang? Bakit kaya hindi mo ipunin yung baon mo araw-araw para sa date natin?

JUAN: Babes, hindi pwede...

NENA: At bakit naman hindi pwede? Siguro, may ibang babae ka, noh?

JUAN: Babes, huwag naman ganyan isipin mo. Ikaw lang ang nag-iisa kong mahal. Hindi lang talaga pwede...

NENA: Bakit nga?!

JUAN: Eh, Babes naman... tuwing Saturday ang schedule ng date natin di ba? Kung iipunin ko mula Monday yung turon, kalamay, saging, bibingka, atbp... mabubulok lang pagdating ng Saturday. Gusto mo ba yun?

No comments:

Post a Comment