Ang malas ni Juan

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!
Ang malas ni Juan



May nasilayang magandang dilag si Juan habang naglalakad siya pauwi, hindi niya mapigilan ang kanyang nararamdaman na pagkasabik kaya ikwinento niya ito sa kanyang Tatay...

JUAN: Tay, may gusto akong girl. Ang ganda nya, gusto kong makipag date sa kanya...

TATAY: Sino?

JUAN: Si Nena, yung babae sa tapat natin.

TATAY: Naku anak, wag mong sabihin sa nanay mo ha, kapatid mo yun si Nena.


Nagalit ang bata, lumipas ang ilang linggo...

JUAN: Tay inlab ako, mas maganda  sya...

TATAY: Sino?

JUAN: Dyan sa kabilang bahay, si Ana

TATAY: Naku anak kawawa ka naman, anak ko din yun si Ana eh...


Nangyari ng ilang beses at lumapit ang bata sa nanay na umiiyak...

JUAN: Nay, galit ako kay tatay. Nagmahal ako ng limang beses pero hindi ko sila pwedeng i-date kasi anak din sila ni tatay.

NANAY: Pwede mo silang i-date, wag kang maniwala sa kanya, hindi mo sya tatay.

No comments:

Post a Comment