Ang lambingan ng mag-asawa

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Isang malamig na gabi at katatapos lamang maghapunan ang mag-asawa ay nagkaroon ng chance na maglambingan sa pamamagitan ng matinding asaran.

MISIS: Honey...

MISTER: Oy, hon!

MISIS: Love mo ko, di ba? Ikaw na maghugas ng mga plato ang mga pinaglutuan. Ha...

MISTER: Naku po, ginamitan na ko ng lambing power!

MISIS: Sige na...

MISTER: Alam mo, Honey... ang paghuhugas ng plato ay gawain ng mga babae at hindi ng mga lalake. Kaya nga di ba Joy ang pangalan ng dishwashing liquid, di ba?

MISIS: Ah... ganun ba? Sige bukas maglalaba ka ha... Bumili kasi ako ng sabon at Mr. Clean ang pangalan.

No comments:

Post a Comment