Nagpatulong sa Translation

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Sobrang dami ng assignment ni Juan kaya medyo ngarag na siya, kaya naman nagpatulong na siya kay Pedro pagdating sa pagtranslate.

JUAN: Tol, patulong naman, medyo lutang na pag-iisip ko dahil sa dami ng ginawa kong assignments...

PEDRO: Sige ba, ano ba gagawin?

JUAN: Translation lang ito...

PEDRO: Ano ang itratranslate natin?

JUAN: Eto ang una, "Contemplate".

PEDRO: Ah, madali lang yan... "kulang ang mga pinggan".

JUAN: Ayos, eto pangalawa... "Statue".

PEDRO: Patanong naman yan, "Ikaw ba yan?"

JUAN: Eto susunod... "Punctuation".

PEDRO: Sa school naman natin yan, yan yung "pera para makapag enroll".

JUAN: Eto pa... "Balance Sheet".

PEDRO: Medyo mabaho yan, tol... yan yung inilalabas mo pagkatapos mo mag "balance diet".

JUAN: Mabaho nga... eto na huli bro, medyo mahirap... "Eat all you can, don't be shy and feel at home."

PEDRO: Naku, madali lang yan!
Kain lang kayo ng kain, mga walang hiya kayo at pakiramdam niyo pa na bahay niyo ito.

No comments:

Post a Comment