Wedding anniversary nila Juan at Nena, kaso may emergency sa trabaho si Misis kaya hindi nila maicecelebrate ang kanilang pag-iisang dibdib. Para hindi magtampo si Mister ay niregaluhan siya ni Misis.
ANAK: Papa, may iniwan po na love letter sa iyo si Mama.
TATAY: Talaga, anak? Sige, babasahin ko.
LAMAN NG SULAT NI NANAY:
Loves,
Happy Anniversary! Pasensiya ka na dahil hindi ako makakasama sa surprise date mo para sa akin. Alam mo naman na on-call ako lagi sa company namin dahil may launching kami sa weekend. Maraming salamat sa pag-unawa. Babawi ako sa'yo kapag nakauwi na ko.
Para pala hindi ka mainip, papayagan kitang makipag-inuman kasama kabarkada mo, maski ilibre mo pa sila. Iniwan ko yung ATM ko sa ilalim ng kama para may pang celebrate kayo. Basta promise me na be a good boy, ha? Here's my ATM PIN code:
( sin(2x) - cos(x) ) / ( cos(2x) + sin(x) - 1 ) = 0 for 0 ≤ x ≤ 2 pi
Enjoy and see you soon, I love you!
~ Mama
No comments:
Post a Comment