Sa Filipino Subject nila Pedro ay tinalakay nila ang mga salitang inuulit-ulit. Nagbigay ng halimbawa ang kanilang guro para madalian ang kaniyang mga estudyante.
TEACHER: Class, ang topic natin ngayon ay ang mga salitang paulit-ulit. Isang halimbawa ay ang "araw-araw".
NENA: Ma'am... "patay-patay" po...
TEACHER: Very good, sino pa makapagbibigay?
JUAN: Ma'am, Ma'am! Ako po...
TEACHER: Sige, Juan...
JUAN: "Punit-punit" po, Ma'am...
TEACHER: Very good... sino pa?
BEBANG: "Labis-labis" po, Ma'am!
TEACHER: Very good, Bebang! Last example, sino makakapagbigay?
PEDRO: "Pag-ibig" po...
TEACHER: Pedro, nasaan ang paulit-ulit doon?
PEDRO: Paulit-ulit pong nasasaktan...
TEACHER: Huhugot ka pa, gusto mo bang hugut-hugutin ko pababa ang grades mo?
PEDRO: Ma'am, magandang example po ng salitang inuulit yan!
No comments:
Post a Comment