Hindi kakain ng Bagoong

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Type na type ni Patrick si Starla kaya naman lahat ng effort at banat ay gagawin niya, mapasagot lang ang kanyang nililigawan.

PATRICK: Starla, alam mo ba ang tagal ko nang nanliligaw sa iyo pero parang wala lang para sa iyong ang mga efforts ko.

STARLA: Ang kulit mo naman kasi, sabi ko naman sa iyo na studies ko ang priority ko. Sa hirap ng buhay ngayon, mas uunahin ko na pag-aaral kesa ang lovelife.

PATRICK: Eh, tutulungan naman kita at hindi kita pababayaan kung tayo ang magkakatuluyan...

STARLA: Weh? Ayaw mo nga tapusin ang Senior High mo eh, gusto mo lang tumambay. So, ano ang aasahan ko sa iyo?

PATRICK: Naku, kung ako ang mapapangasawa mo... hinding-hindi ka kakain ng bagoong!

STARLA: Aba! Totoo ba yan? Baka pure bluff yan?

PATRICK: Seryoso ako... hinding-hindi ka kakain ng bagoong hangga't hindi panauubos yung asin.

No comments:

Post a Comment