Habang naghihintay ng train sa MRT ay nagpabidahan ang magkabarkada sa mga kaalaman nila sa buong mundo.
JUAN: Tol! May trivia ako sa yo.
PEDRO: Talaga? Ano yan, bro?
JUAN: Alam mo ba kung ano ang "longest word" sa buong mundo?
PEDRO: Absent yata ako nung diniscuss sa school yan, siret na.
JUAN: "pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis", isa siyang artificial long word na ibig sabihin ay lung disease dahil sa pag-inhale ng very fine ash at sand dust.
PEDRO: Ayos yan ah... ako naman... Alam mo ba kung ano ang "thinnest thing" sa buong Mundo?
JUAN: Sige, ano?
PEDRO: Ayon sa mga scientists, ang buhok daw natin ang pinakamanipis na bagay sa buong mundo.
JUAN: Hmmm... hindi ako sang-ayon dyan, tol...
PEDRO: Bakit naman?
JUAN: Hindi pa nila nasusukat kung gaano kanipis ang pasensya ko...
No comments:
Post a Comment