Inutusan si Pedro ng kanyang Ina na bumilil ng mga gagamiting sangkap sa kanilang lulutuing ulam para sa tanghalian. Dahil sarado ang suki nilang tindahan ay napilitan si Pedro na maglakad-lakad pa para makahanap ng iba.
PEDRO: (kumatok) Pabili po... pabili po!
TINDERA: (wala sa mood magtinda at biglang binuksan ang kanyang malaking pamaypay) Hmp! What do you intend to buy?
PEDRO: (kinabahan dahil nag-english yung ale) Ahmmm... Well... I would like to buy the following compounds, a Sodium Chloride and the simplest of Glucose; and also 2 common spices available in our country, Allium Cepa amd Allium Sativum and a fermented paste of soybeans. Which is worth exactly 0.87 US Dollars!
TINDERA: (biglang nag hang) Haaa... ano ulit yun, jiho?
PEDRO: Pabili po ng asin, asukal, sibuyas, bawang at toyo po! Bale, icoconvert ko na po sa currency natin, which is P45.00 po ang total.
TINDERA: (biglang dumaloy ang dugo sa ilong)
No comments:
Post a Comment