Nawawala ang mga Kambing

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Isang araw dinayo ng mga Tanod ang bahay ni Pedro para tanungin siya sa mga nangyayaring nakawan sa kanilang sitio.

TANOD: Pedro, hijo... pwede ka bang makausap saglit?

PEDRO: Sige po, tungkol saan po ba?

TANOD: Ikaw ba ang nagnakaw ng mga Kambing nila Mang Gas?

PEDRO: Naku po, hindi ko po ninakaw yung mga Kambing niya!

TANOD: Ah, ganoon ba? Eh, bakit nandiyan sa bakuran niyi yung mga alaga niya?

PEDRO: Kailangan ko po kasi ng panali ng kawayan, kaya kinuha ko yung tali nung mga Kambing.

TANOD: Eh, bakit nga nandyan sa inyo?

PEDRO: Wala po akong kasalanan, nung kinuha ko po yung tali, kusang sumunod yang mga yan.

No comments:

Post a Comment