Pagkauwi galing school ay dumeretso si Juan sa kanyang Tatay Pedro para magtanong tungkol sa English class niya. Medyo nalito kasi ang anak sa pagkakaiba ng dalawang salita.
BUNSONG JUAN: Mano po, 'tay!
TATAY PEDRO: Kaawaan ka ng Diyos, anak!
JUAN: Tay, ang hirap naman po ng diniscuss kanina sa school...
TATAY: Bakit, anong nangyari?
JUAN: Tungkol po sa mga salitang "complete" at "finished".
TATAY: Sige anak, ano ba ang tanong mo? Baka sakaling masagot ni Tatay. Hindi mo naitatanong, Best in English ako nung kabataan ko.
JUAN: Talaga po, Itay?
TATAY: Oo naman, kaya sige lang. Magtanong ka.
JUAN: Nalilito po kasi ako, ano po ba ang pagkakaiba ng "complete" at ng "finished"?
TATAY: Ah, madali lang yan... Ganito, bibigyan kita ng scenario para mas madali mong maintindihan...
JUAN: Sige po...
TATAY: Kapag nakapatagpo ka ng babaeng pinapangarap mo at napangasawa mo siya, you feel "complete".
JUAN: Wow... ayos po pala yun, ah... eh yung "finished" naman po?
TATAY: Ah, yun naman, kapag mali ang napangasawa mo... you feel "finished"!
No comments:
Post a Comment