Hindi na Makukulong

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Hinuli sina Bunak at Kiko dahil nagnakaw daw sila sa Grocery Store. Pilit pinaamin ng Police Officers ang dalawa at kapag umamin daw ay hindi na sila ikukulong pero may parusa sila.

PULIS: Totoo bang nagnakaw kayo dun sa tindahan?

BUNAK: Hindi po!

KIKO: Aminin na natin, Bunak! Totoo po, Sir. Kami po ang nagnakaw, pero pinilit lang po ako ni Bunak!


Dahil sa inamin ni Kiko ay nagalit si Bunak at hinampas siya sa braso.

PULIS: Wala akong paki-alam kung pinilit ka o hindi. Ang pinag-uusapan dito ay magkasama kayong gumawa ng masama. Sige, hindi ko na kayo ikukulong pero may parusa kayong dalawa.

KIKO: Nakakatakot naman po.

BUNAK: Ano naman po parusa namin?

PULIS: Ang parusa niyo ay papaluin kayo ng Dos por Dos sa likod ng hita!

KIKO: Hala! Ang sakit po non! Grabe naman po...

BUNAK: Bobo ka kasi! Umamin ka pa! Hmp...

PULIS: Pero dahil Birthday ko ngayon, choice niyo kung ilang palo ang gagawin sa inyo, 10 na beses ang minimum. May bonus pa! Bibigyan ko kayo ng extra kahilingan, pero bawal hilingin na "hindi mapalo ng dos por dos".

KIKO: Sige po! Ako na mauuna... Ang hiling ko po ay sampu na palo lang...

PULIS: At ano ang second wish?

KIKO: Lagyan niyo po ng unan yung pwet ko.


Sinunod ng Police ang kahilingan ni Kiko at dahil sa may unan, hindi siya gaanong nasaktan.

PULIS: It's your turn, Bunak. Ano ang hiling mo at ilang palo?

BUNAK: Gusto ko hampasin niyo po ako ng 1,000 na beses.

KIKO: Bobo! Ang dami nun. Hahahahaha... Sakit nun!

PULIS: Sige, ano ang ikalawa mong kahilingan?

BUNAK: Itali niyo po si Kiko sa likod ko.

No comments:

Post a Comment