Computer Technician Clinic

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Isang Computer Technician si Juan na hirap na hirap makahanap ng trabaho kaya naman ang ginawa nya, nagtayo sya ng isang Clinic. Para makatanggap ng pasyente ay naglagay siya ng karatula sa harap ng kanyang pwesto na may nakasulat na...

General Checkup: 500 Pesos only! Ang hindi gagaling, bibigyan ko ng P1,000.


Wala pang isang araw ay may nakapansin na ng kanyang signage. Isang Doctor ang nakabasa nung nakasulat kaya naman...

DR. LING: Ayos to, easy money! Masubukan nga ang galing nya, magpapacheckup ako ngayon din at magpapanggap ako na pasyente.

Pumasok sa loob ng Clinic ang Doktor at nagpa-checkup...

DR. LING: Magandang araw po, nandyan po ba si Doc? Magpapa-checkup po ako...

TECNICIAN JUAN: Ako po ang resident Doctor dito, ano ho ang nararamdaman nyo?

DR. LING: Ah! Doc, nawala po yung panlasa ko...

JUAN: Ganoon po ba? No problem, Sir... may gamot tayo para diyan. Nurse! Pakikuha nga yung maliit na bote at pakipatakan ng tatlong beses ang dila ni sir...

Nagpanggap na Nurse ang kapatid ni Juan at pinatakan ang dila ng kanilang pasyente...

DR. LING: Gasolina to, ah...

JUAN: Congratulations po, Sir! Bumalik na ang panlasa nyo... 500 pesos lang po ang bayad...

Napakamot ng ulo at napailing na lang habang palabas ng Clinic ang Doctor.

DR. LING: Pambihira! Naisahan ako doon ah... maghintay ka lang, babawi din ako.

Pagkalipas ng isang linggo ay bumalik ang Doctor sa Clinic...

DR LING: Dok... magpapa-checkup ako.

JUAN: Tuloy po... ano ho ang nararamdaman niyo, Sir?

DR. LING: Nawawala po yung alaala ko.

JUAN: Ah! Maswerte kayo ngayon, Sir! May gamot tayo dyan... sandali lang... Nurse! Pakikuha nga yung maliit na bote at pakipatakan ng 3x ang dila ng pasyente.

DR. LING: Teka lang, yan din yung Gasolina last week, ah?

JUAN: Congratulations po! Bumalik na po ang alaala nyo, P500 lang po...

Napakamot na naman ng ulo at napailing na lang habang palabas ulit ng Clinic ang Doctor.

DR. LING: Buset! Babalik ako bukas para makabawi.

Kaya naman kinabukasan kay maagang pumunta sa Clinic ang Doktor para makaganti sa Computer Technician...

DR. LING: Doc, magpapacheckup po ako.

JUAN: Ano ho ang nararamdam niyo, Sir?

DR. LING: Malabo na yung paningin ko, Dok.

JUAN: Naku, pasensya na po sir... Wala ho tayong gamot para dyan. Heto po ang 1,000 pesos.

DR. LING: Eh, 500 lang po ito ah...

JUAN: Ay! Congratulations po. Bumalik na ang linaw ng mata nyo, 500 lang po ang professional fee.

No comments:

Post a Comment