Brand New Car

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Nagpasama si Teban sa best friend niyang si Goryo na magbayad ng kanilang electricity bill. Habang naglalakad papunta sa kanto ay may naikwento si Goryo tungkol sa kanyang karanasan.


TEBAN: Bro, samahan mo naman ako sa mall. Babayaran ko lang yung kuryente namin.

GORYO: Sige ba, naalala ko tuloy nung binigyan ako ng Tatay ko ng pera pambayad ng kuryente.

TEBAN: Oh, anong nangyari?

GORYO: Pero nagamit ko ung pera at bumili ako ng Raffle Ticket para sa isang Brand New Car.

TEBAN: Tapos?

GORYO: Ayun... pag-uwi ko sa bahay, ipinaliwanag ko sa Tatay ko na nagastos ko ung pera.

TEBAN: Eh di, nagalit sya?

GORYO: Oo, Bro... galit na galit si Tatay at ginulpi ako dahil dun. Iyak ako ng iyak, dahil sa galit ni Tatay. Pero the next day...

TEBAN: Nanalo ka?

GORYO: Heto na nga, Bro... kinabukasan pagkagising ng Tatay ko, pagkabukas niya ng pinto, merong isang bagong kotse sa tapat ng House namin.

TEBAN: Ano sumunod na nangyari?

GORYO: Ayun... umiyak buong Family ko... syempre lalung-lalo na ako, kasi ung "brand new car" ay galing kotse pala ng MERALCO, for disconnection na pala kami. Puputulan na pala kami ng kuryente. Ayun, ginulpi ulit ako ng Tatay ko.

No comments:

Post a Comment