Pumunta sa clinic ni Doc si Jun para magpacheck up...
Ilang araw na kasi masakit ang katawan niya at hindi niya alam kung bakit.
DOK: Nurse, pakitawag na ang susunod na pasyente.
NURSE: Ok po, Doc.
Pumasok ang isang lalaki at umupo kaagad sa upuan.
DOK: Magandang araw po, ano po ang masakit sa inyo?
JONAS: Good morning po, Doc! Kahapon pa po masakit ang katawan ko, hindi ko po alam kung bakit.
DOK: Ah, ganon ba? Ano ba ang huling Physical Activity ang ginawa mo?
JONAS: Wala naman po masyado, kung ano po ang normal na ginagawa ko sa trabaho...
DOK: Hmmm... ano ba ang trabaho mo?
JONAS: Ah... isa din po akong Doctor tulad nyo.
DOK: Oh! Eh, bakit hindi mo i-assess ang sarili mo? Bakit kailangan sa akin ka pa magpakonsulta?
JONAS: Eh kasi... mahal ang singil ko. Baka sakaling mas makakamura ako kung sa 'yo ako magpapatingin.