Parusang De Lata

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Puro mura at panglalait ang inabot ni Juan mula sa kanyang biyenan na si Aling Gloria, dahil sa kanyang pagiging tamad at walang trabaho. Isang araw ay may mga Police Officers na pumunta sa kanilang bahay para arestuhin ang kanyang asawang si Nene.

ALING GLORIA: Napakatamad mo talagang tao ka, Juan! May kumakatok sa pinto, buksan mo ngang batugan ka! Bakit kasi ikaw pa ang napangasawa ng anak ko, bwisit!

JUAN: (Binuksan ang pinto at nagulat dahil my mga Pulis) Sir? Sino pong kailangan nila?

PULIS: Magandang araw po, nandyan ho ba si Nena?

JUAN: Bakit po, ano pong kailangan niyo sa asawa ko?

PULIS: Ah, Sir... naparito po kami para imbitahan sa Precinct ang Misis nyo. May nagreklamo po kasi na nagnakaw daw siya ng dalawang de lata ng Sardines.

NENE: (Lumabas ng kwarto para harapin ang mga Policemen) Sir, maawa na po kayo... nagawa ko lang po iyon dahil wala na kaming makain. Wala naman po kaming trabaho mag-asawa. Please, wag nyo po akong ikulong maliliit pa po ang mga anak namin.

JUAN: (Sumegunda sa sinabi ng asawa) Oo nga po, mga Sir... maawa naman po kayo.

PULIS: Sige, ganito na lang po... hindi ka na namin ikukulong pero iba ang parusa na ibibigay namin sa inyong Misis.

JUAN at NENE: Ano naman pong parusa iyon?

PULIS: Sasama ka pa rin sa min sa Presinto, Misis. Tapos, bibilangin natin kung ilan ang lahat ng laman ng mga de lata ng Sardinas na ninakaw mo. Kung gaano karami yung laman ay ganun din kadaming beses ka din namin hahagupitin sa inyong puwitan. Iyon na lang po ang parusa para hindi kayo makulong.


Sumama sa Police Headquarters ang mag-asawa at binuksan na ang mga de lata. Binilang nila ang laman ng bawat de latang Sardines. Apat na pirasong isda ang laman ng bawat isang de lata na sardinas kaya ang total ay walo.

PULIS: Misis, walo po ang total na bilang ng laman ng mga ninakaw niyo, bale walong beses namin kayong hahagupitin sa inyong puwet.

NENE: Sige po mga Sir, para hindi na po ako makulong, tatanggapin ko po ang kaparusahan.


Habang inihahanda ang lugar na pagdarausan ng sentensya ni Nene ay may ibinulong si Juan sa Police Official.

JUAN: Ahmmm... Sir, bigyan ko kayo ng tip... may ibang magnanakaw pa kase ng de lata sa bahay namin.

PULIS: Talaga po, Sir? Sino po? Anong klaseng de lata at ilang piraso ang ninakaw nya? Magiging malaking tulong po yan sa pagsugpo ng krimen sa ating lugar.

JUAN: Yung Nanay ng Misis ko, Sir. Nagnakaw sya nung makalawa... limang de lata ng Green Peas! Arestuhin niyo na rin po kaagad at baka matakasan pa kayo. Bilis!

No comments:

Post a Comment