Nalaglag ang Bayabas

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Namitas ng mga Bayabas sina Berting at Diego at pagkatapos nila ay pumunta sila ng Cemetery. Ngunit sarado na ang gate, kaya pumanhik sila ng bakod kaso nalaglag ang dalawang pirasong Bayabas sa labas ng Sementeryo.

BERTING: Tol, tol! Nahulog yung dalawang bayabas, ayun at naiwan sa labas.

DIEGO: Mamaya na natin balikan, pre bago tayo umuwi.


Hinati na nila ang kanilang mga nakuhang prutas, hating kapatid para walang lamangan.

Habang nagbibilangan sila ay napadaan ang lasing na Sacristan na si Angelito malapit sa Sementeryo. May narinig siyang nagsasalita...

Isa sa iyo... Isa sa akin... Isa ulit sa iyo... Isa ulit sa akin...


Natakot si Angelito kaya maski may amats ay tumakbo siya papunta sa Parish Church at nagsumbong sa kanilang Priest.

ANGELITO: Father, Father! May narinig po akong nag-uusap sa Sementeryo, sina Lucifer at Kamatayan, pinaghahatian ang mga bangkay!


Dahil hindi makapaniwala ang Pari ay sinamahan niya si Angelito para mapatunayan ang mga narinig.

PARI: (Bumulong) Dito mo ba narinig yung mga boses?

ANGELITO: (Bumulong din) Opo, Father. Pakinggan niyo pong mabuti...

BOSES 1: Oh pare, huli na ito... sa iyo na itong isang ito...

BOSES 2: Salamat, tol! Eh, paano yung dalawa sa labas?

BOSES 1: Sige, sa iyo na rin yun!


PARI: (Nangatog at nautal) Ahhh... Ang... Angelito... hala... takbo na tayo!

No comments:

Post a Comment