Nahulog ang 500 Pesos

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Habang nag-aabang ng Bus sa waiting shed ang isang Misis ay may dumaan na kotse, sobrang mausok kaya dinukot niya ang kanyang panyo na nasa bulsa ng kanyang pantalon, subalit nasama ang Five Hundred Pesos at nahulog ito.

ALE: Ay! Nahulog yung limang daan ko...


Agad inapakan ni Juan ang P500 gamit ang kanyang kanang paa...

ALE: Hala... Saan na napunta? Hijo, naapakan mo yata...

JUAN: Wala naman po, Ate.

ALE: Pakitaas mo nga yung kaliwang paa mo...


Tinaas ni Juan ang kanyang kaliwang paa...

JUAN: Wala po, di ba?

ALE: Ah, yung kanan naman ang itaas mo, bilis!

JUAN: Sobra ka naman Ate! Kapag tinaas ko pa yung kanang paa ko, eh di natumba na ako...

No comments:

Post a Comment