Ang Magic ni Pedro

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Isang araw magkasamang naglalakad sina Pedro at Juan patungo sa Panaderya. Pagkapasok sa pinto ay kumuha na kaagad ng 3 mamahaling tinapay si Juan. Itinago niya ito sa kanyang bulsa nang hindi namamalayan ng may-ari, sabay sabi kay Pedro...

JUAN: Oh, di ba? Ang talino ko. Nakakuha ako ng tatlong mamahaling tinapay ng walang ginagastos, hindi rin alam nung may-ari kaya hindi ko na kailangan pang magsinungaling.

PEDRO: Matalino ka na niyan? Panoorin mo ko.


Kinausap ni Pedro ang may-ari at sinabing...

PEDRO: Boss, bigyan mo ko ng isang tinapay at pakikitaan kita ng magic!


Dahil interesado ang may-ari, binigyan niya ng tinapay si Pedro, kinain niya ito at humingi pa ng isa, kinain ulit at humingi pa ng isa. Nagtaka ang may-ari at sinabing...

BAKERY OWNER: Anong ginawa mo? Nasaan na ang magic na sinasabi mo?

PEDRO: Ah, tingnan mo po ang bulsa ni Juan at nandoon ang tatlong tinapay na kinain ko.

No comments:

Post a Comment