Usapang Logic

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Nakita ni Juan na may binabasang kakaibang libro si Pedro kaya naman inusisa niya ito...


JUAN: Pare... mahirap yata yang binabasa mo?

PEDRO: Hindi, logic lang ito...

JUAN: Ano 'yan? Hindi ko yata alam yan...

PEDRO: Ganito, may aquarium ka ba sa bahay niyo?

JUAN: Oo...

PEDRO: Eh di, mahilig ka sa isda?

JUAN: Oo...

PEDRO: Eh di, mahilig ka rin sa dagat?

JUAN: Oo...

PEDRO: Eh di, mahilig ka sa beach?

JUAN: Oo...

PEDRO: Eh di, mahilig ka lalo sa mga seksing babae na naka bathing suit?

JUAN: Oo naman!

PEDRO: Lalaking-lalaki ka nga! Ganyan ang logic.

JUAN: Ahhh... Ayos pala yan, ha..


Kinabukasan ay nakita ni Juan si Pio...

JUAN: Pio... Pio! Susubukan ko lang itong tinuro sa akin ni Pedro na logic sa'yo.

PIO: Sige ba...

JUAN: May aquarium ka ba?

PIO: Ah... Wala, eh...

JUAN: Bakla ka pala, eh!

No comments:

Post a Comment